Pagsasanay Panuto: Salungguhitan ang sugnay na makapag-iisa at bilugan ang sugnay na di makapag-iisa sa bawat hugnayang pangungusap. 1. Naibalik sa bansa ang demokrasya pagkatapos ng EDSA Revolution. 2. Habang nagdaraan ang mga taon, lalong lumalapit ang mga tao sa pagkamit ng pandaigdigang kapayapaan. 3. Kapag may kapayapaan ang tao sa kanyang sarili, maaari siyang mamuhay nang mapayapa kasama iba. 4. Bago ako makapamuhay nang mapayapa kasama ang iba, kailangang ko muna ng kapayapaan sa ak sarili. 5. Kung saan may pagmamahal, naroon ang kapayapaan.