Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat sa sagutang papel ang PK kung ang pangungusap ay tumutukoy sa
pagtatanggol ng Kalayaan, KP kung pagpapahalaga sa karapatang pantao at DP kung demokratikong
pamamahala.
1. Itinatag ang Kilusang HUKBALAHAP ng mga Pilipino.
2. Ang paglulunsad ng organisasyon tulad ng United Nations at Human Rights Commission.
3. Ang pagpapatupad ng mga batas, tulad ng Bill of Rights o Katipunan ng mga Karapatan.
4. Ang ating pamahalaan ay mayroong tatlong sangay na naninindigan sa demokrationg pamamahala at
paglilingkod.
5. Ang pagbuwis ng buhay ng mga bayani tulad ni Heneral Gregorio del Pilar, Andres Bonifacio, Jose Rizal at
marami pang iba.


(ARALIN PANLIPUNAN)