Gawain 1 Suriin ang mahahalagang pangyayari o pangunahing kaisipang nakalahad sa ibaba. Lagyan ng tsek ang patlang kung ang kaisipan ay bahagi ng ating binasa at ekis kung hindi. Mula sa "Kay Selya" 1. Ang pag-aalaala ni Balagtas sa masasayang sandaling magkasa aila ng pinakamamahal niyang si Selya. 2. Ang pagpapakasal ni Balagtas kay Selya. 3. Ang paglikha sa walang katapusang awit bunga ng labis na kalungkutan dahil sa kabiguan sa pag-ibig 4. Ang sakit na nadama ni Balagtas dahil sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal. 5. Ang pag-iwan ni Balagtas kay Selya Mula sa "Sa Babasa Nito" 1. Ang paghahabilin ni Balagtas na huwag babaguhin ang berso ng awit. 2. Ang pagsasabing kung may malabong bahagi, suriin munang mabuti. 3. Ang hiling na gumawa ng palabas o pelikula hango sa mensahe ng awit. 4. Ang pagnanais na mapahalagahan ng mga mambabasa ang kanyang obra maestra 5. Ang pag-iwan niya ng mga mahahalagang habilin para sa mambabasa ng kabuoang akda.