Masusubukan ngayon ang iyong husay sa paggamit ng ating wikang pambansa. Kung ang pangulo ng bansa ay may SONA, ikaw naman ay may SOLA o State of the Language Address. Bubuo ka ng isang talumpating maglalahad sa kalagayan ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon. Magsaliksik ka upang ang bubuoin mo ay nakabatay sa mga totoong datos at hindi sa pansariling opinyon mo lang. ipasok mo rin ang ilang konseptong pangwikang natutuhan mula sa araling ito. Ang talumpating bubuoin ay hindi bababa sa 300 salita.